Minsan Ako Si Madonna
Ni Marjorie Raymundo
Maraming tao ang nagtatanong noon sa kin kung bakit ako napunta sa pag-aartista (maliban na lang sa tiyahin ko na isinigaw ang tanong sa kin apat na taon na ang nakakaraan nung nag-family reunion kami.) at sa bawat pagkakataon iba’t-iba ang nagiging sagot ko. Naiyak ako nung mapanood ko si Cyrano de Bergerac sa pelikula nung sampung taong gulang ako, may lihim rin akong pangarap na makatambal si Albert Martinez sa isang bold flick na siyempre ako ang bida, nung minsan namang namamasyal ako sa mall at may nakita kong senador na kasama ang kerida niya, nainggit ako sa dose-dosenang shopping bags na bitbit ng tatlo nilang bodyguard, nainggit din ako sa isang artistang pagkaganda-ganda ng costume pero hindi niya madala at nasabi ko na lang sa sarili kong mas bagay sa kin yan..
Lahat yan totoo pero siyempre may mga paborito ako.
Noong highschool at college, sinalihan ko lahat ng plays na meron at isinabay ko sa schoolwork. Ayos lang kasi time management lang naman ang kailangan di ba? Ang mga magulang ko siyempre pa ay tutol sa pinaggagagawa ko sa buhay kaya pinagbawalan nila akong sumali sa kahit na anong theater troupe. Likas na napakatigas ng ulo ko kaya sumuko na rin sila ng malaman nilang walang business taxation class na nagsisimula ng 10pm.
Tinanggap nilang talo sila sa isang kundisyon. Kailangan kong i-maintain ang grades ko at kailangan kong maka-graduate sa loob ng apat na taon. Nakakaloka pero kinaya ko kasi nasa dugo ko na yata ang teatro, parang hangin na kailangang-kailangan ko. Meron akong business degree, 93 percent grade point average pero pinakatatago-tago ko yan tungkol sa sarili ko.
Pagkatapos ng commencement exercises lumapit sa kin ang tatay ko na inihahampas sa kaliwa niyang kamay yung program habang nag-iisip. “hindi mo iiwanan ang pag-arte mo ano?”.“ Hindi po. Hinding-hindi. Nagbuntung-hininga siya. “Basta sinabihan ka namin ng mama mo. Wag mong sasabihing hindi.” Ngumiti ako. “Ok lang po. Constitutional right ninyo yun.” Nagbuntung-hininga siya ulit. “Si Lolo Elias mo magaling sa pagbabasa ng mga tarot cards saka yung isang pinsan yata ng mama mo singer sa choir.’’ Para bang iniisip niya kung kaninong DNA strain ang nagkasala. Ipinatong ko yung toga sa balikat niya. “magaling naman ako di ba?”. “hay naku anak yun nga ang ipinag-aalala ko eh.” Naaalala ko pa rin yung tunog ng boses niya habang sinasabi niya yun na para bang may gusto pa siyang idugtong pero hindi na niya sinabi.
Minsan akong naging narrator ng Christmas play nung kindergarten. Naging abra dancer din ako nung highschool, naging naglalakad na rin akong bangkay sa isang university production, isang dyslexic na cheerleader. Nang makagraduate ako ng college parte ako ng magulong mundo, ng tahimik na mundo, ng nakakahiyang mundo. Minsan ako si Madonna. Minsan naman ako ang alikabok sa kapa ni Batman. (Oo, inaalikabok yun kasi hindi nga siya nakakalipad.)
Kapag artista ka, ang unang pumapasok sa isip ng lahat ay napakaglamorosong mga imahinasyon. Yung tipo ng mga artistang pag nakita mo lilingon ka ng 360 degrees kasi akala mo si Linda Blair na yung nakasalubong mo. Mga artistang may mala-gatas na balat, mahirap abutin at napakabango.
Opposite ako ng mga artistang ganun. Ako yung nanay na nakasuot ng pangit na printed na palda habang tumatawid sa Kalentong tuwing umaga. Minsan, nakasuot nga ako ng Freego na jeans pero may nakatakip naman sa mukha ko na panyo habang may dumadaang bus sa harapan ko. Lagi akong nakikita at lagi rin akong hindi nakikita. Sabi ng theater adviser ko nung college ang mga pinakamagagaling na artista ay mga multo. At naniniwala ako don. Katulad ko at katulad din ng ilang katulad ko. Lumabas na kami sa mangilan-ngilang pelikula at soap operas pero wala maski isang manonood ang nakaalala sa min. Naalala nila yung gahaman na pinsan ni Edgar, yung kapatid na babae ni Beatrice, ang tapat na si Trining, ang cute na si Poknat, pero walang nakaalalang minsan naging ako si Madonna.
Sa buhay artista maraming beses pwedeng maging ako si Madonna. Pwede ding si Guy Richie para may variation naman. Ang buhay artista ko ay masalimuot at matamis. Tulad ng paghinga ng bawat tao may mga bad particles ding pumapasok. Mas marami nga lang ang nailalabas.
Excerpt sa isang oras ng buhay teatro: Pagkatapos ng palakpakan sa stage at high-five sa mga socialite na kunwari mga kaibigan mo. Sasakay ka ng jeep iaabot ang bayad kay manong at hihingin ang sukli mong piso na kinalimutan na niyang ibigay. Papara ka at pagpasok sa bahay magluluto ng Lucky me instant noodles para hapunan. Bibilangin ang natirang pera at matutuklasang bebente na lang ang natitira mula sa ibinayad sa yo para lumabas sa stage. Matutulog ka na habang pinapaalalahanan ang sariling may gala show ka ng 2pm at matinee show ng 4pm kinabukasan.
May mga bagay na pangit pero masaya. Mahirap pero pinagtitiisan.. ganun ang pag-aartista para sa akin. Mahirap ipaliwanag. May magnet kasi ang teatro.. napakalakas ng magnet ng teatro.
–Nakuha ko to mula sa diary ng nanay ko. Na-shock talaga ko, hindi ko alam na naging artista pala siya. Ipinasa ko tong pyesa na to bilang final requirement, pinapasa ko na ulit para naman maraming makabasa kahit papano. Minodify ko lang ng konti yung sentences.
Loading...
whew!
cute!
maganda ito..
natuwa ako kay politician at sa kanyang kasama na may shopping bags..
hmmm..pangarap ko rin kayang maging theater actress..haha
more power, marj! buti na lang, kaibigan kita..hahaha
bianca - JanamMon, 04 Jan 2010 07:32:31 +00002010-01-04T07:32:31+00:0007 7, 2008 at 7:32 am
whew!
cute!
maganda ito..
natuwa ako kay politician at sa kanyang kasama na may shopping bags..
hmmm..pangarap ko rin kayang maging theater actress..haha
more power, marj! buti na lang, kaibigan kita..hahaha
nice..
bianca - JanamMon, 04 Jan 2010 07:35:00 +00002010-01-04T07:35:00+00:0007 7, 2008 at 7:35 am
highlight sa akin yung statement na ‘to: Lagi akong nakikita at lagi rin akong hindi nakikita”.
iba-iba ang dahilan kung bakit bumibilib ang mambabasa sa texto, may dahilang nakakaiyak, nakakatuwa o nakakaamaze. yung sayo may pinaghalo-halong dahilan kung bakit nakakabilib pagkatapos na mabasa.
edel larin - JanamTue, 05 Jan 2010 07:33:46 +00002010-01-05T07:33:46+00:0007 7, 2008 at 7:33 am
hanep.. lakas ng dating…
nakakabilib ang pagsasalita…
galingan mo pa ate marj…
sa larangan ng pagsusulat…
zaire - JanamWed, 06 Jan 2010 03:38:59 +00002010-01-06T03:38:59+00:0003 7, 2008 at 3:38 am
you always impress me marj…(wow umi-english…hehe…)
seryoso… habang binabasa ko ‘to maraming naglalaro sa isip ko…mahirap ipaliwanag ang epekto nito… kudos to you!..
magaling…magaling…magaling…
two thumbs-up!!!
God bless!
(sorry late na comment ko, ngaun lang nalibre…hehe…)
tin - JanpmThu, 28 Jan 2010 12:00:02 +00002010-01-28T12:00:02+00:0012 7, 2008 at 12:00 pm
.nice one yatz.. ganda tlga ng mga creation mu eeee
sobrang nakakatuwa…
keep it up wah…
hihintayin q ung nxt. masterpiece mu
at aasahan q un
go!!!!!!
doinx - FebamTue, 09 Feb 2010 09:06:01 +00002010-02-09T09:06:01+00:0009 7, 2008 at 9:06 am
marj ngyon q lng to nbasa..
ambongga ni mother ha!
me pinagmanahan ka!
pero bad ka!
ngba2sa k ng diary
ng may diary!
ahahahaha!
juwana - FebamFri, 12 Feb 2010 05:05:55 +00002010-02-12T05:05:55+00:0005 7, 2008 at 5:05 am