Harurot
ni Orlando Pineda
Ang galing-galing mong magdala ng angas sa
Daan sa tuwing umaatungal ang tambutso ng iyong
Motor at pinupunit ng pagharurot mo ang
kasalubong na hangin sa kalsada.
Swabeng-swabe ang pagsasayaw ng manibela’t dalawang
Gulong habang pinagtatawanan ng tambutso ang naungusang
trak, kotse at dyip; kaalinsabay ang pagbaba
ng panga ng ilang patawid at pa-susmaryosep
ng manang na tindera ng yosi ay ang nagmamalaki mong
paghagibis na magtatapos sa
isang
P A G K A D U R O G!
(Hindi ka naman kasi inaano ng nakatayong poste
at nakahigang semento.)
Loading...
aus sir…tama! di nga naman sya inaano ng poste at semento…tsk!tsk!tsk!
maraming marunong tumula pero konti lang ang mga totoong manunula…^_^
tin - NovpmFri, 20 Nov 2009 15:47:37 +00002009-11-20T15:47:37+00:0003 7, 2008 at 3:47 pm
ayos! muli na naman akong nakabasa ng tula…. ng talagang tula.
salamat po sa mga turo sir, pasado na po ako sa LET…..
fraim - NovamSun, 22 Nov 2009 09:18:03 +00002009-11-22T09:18:03+00:0009 7, 2008 at 9:18 am
congrats nga pala at pasado ka na sa LET. magpatuloy ka sa iyong kahusayan sa pagtuturo at pagsulat.
orly - NovamSat, 28 Nov 2009 02:52:48 +00002009-11-28T02:52:48+00:0002 7, 2008 at 2:52 am