Litpower
Kalinangan ng Literatura at Paglikha Incorporated

Dyan sa tabi- tabi

NAPAKA Naman

ni Maris Castro


Napakataas naman talaga ng mga puno.

Napakarami ring mga bunga .

Araw- araw man siguro akong pumitas

t’yak busog ang sikmura ko.



Napakaganda rin talaga ng mga bulaklak.

Naghuhumiyaw ang iba’t- ibang kulay .

Siguradong napakabango ng mga ito.



Napakalusog din  naman ng mga hayop.

Kalabaw, baka, kambing at iba pa,

nagpapakasasa sa libreng damo

sa napakalawak na damuhan.


Napakaberde rin ng matataas na bundok

talaga namang ang sarap- sarap akyatin.

Sa himpapawid naman nagliliparan

ang napakaraming ibon.

Napakalaya talaga  nila.


Napakaganda talaga ng paligid.

Napakaganda talaga ng piktyur na ‘to.


Sibat


Sa unang harurot

pagdating sa unang kanto,

inoberteykan ako ni Pare

at isinakay ang hinahabol kong pasahero.


Okey lang yun, kababata naman kita P’re

mapagbibigyan kita sa syete

babawi na lang ako sa susunod.

Inapakan ko ang silinyador

at umarangkada sa magulong highway.

Pagdating ko sa sumunod na kanto

Sinulot mo na naman ang babaeng pasahero.


Naku, Pare, pare, pare ang husay mo talagang drayber.

Akalain mong nakalulusot ka sa mga singit- singit.

Basta P’re, ito ang tatandaan mo,

Ingat sa byahe.


Ang makata ay kasalukuyang kumukuha ng BA Mass Communication major in Broadcasting sa Bulacan State University. Tinawag nyang ” Dyan sa tabi- tabi” ang post na ito dahil sa tabi- tabi lang din nya nakuha ang mga ideya. At, sa kung saan- saan lang din naman sya naroroon. Kaya, nagkita sila ng mga ideya dyan sa tabi- tabi.

4 Responses to “Dyan sa tabi- tabi”

  1. napakagaling din maris! hehehehe..
    ingat lagi!

  2. mainam ang ganito maghahalukay sa kasimplihan sa kasimplihan ng iyong salita ang mga kahulugang puwedeng iba-iba ang presensya sa mga babasa. salamat sa mga katulad mong makata.

  3. salamat po sa inyong dalawa. sa totoo lang po natuyot ang bumbunan ko rito. ang hirap gumawa ng tula. di lang nila alam…hahahahha. marami pa kong dapat matutunan. ibang style naman…wehhhhh..aus.

    pis=)


Leave a Reply