Litpower
Kalinangan ng Literatura at Paglikha Incorporated

Feb
02

Ni: Marc Erron San Mateo

Napapaungol na ang babae, mahina pero napansin ito ng lalaki. Inihinto na niya ang pagdidila sa tinggil at mas ibinuka pa ng lalaki ang mga hita ng babae gamit ang kanyang mga tuhod. Mababaliw ang babae. Kinakagat ang labi. Itinitirik ang mga mata. Nababasa.

Handa na nga ito.

Muling tinignan ng lalaki ang mga ngipin na dumidiin sa labi at ang mga matang  naglabas ng isang patak ng luha at saka ibinaling ang tingin sa kike ng babae, basa at naririnig ang bulong nitong hinihiling na iligtas siya sa pagkakalunod sa mala-walang hanggang pagnanasa. Sumalida, at sa isang galawan, ipinasok niya ang tite sa kike ng babae kasabay ng pagtakip ng ulap sa nagliliwanag na buwan ng gabing iyon, malamig.

“Kamusta?”

“Hoy! Sino ka? Bakit ka andito?”

“Tinatawag mo ako eh. Hindi ba?”

“Ha? Bakit naman kita tatawagin eh ni hindi nga kita kakilala? Umalis ka nga!”

“Easy ka lang. Nag-iinit ka kaagad. Bago mo ako paalisin, hayaan mo munang magkausap tayo. Halatang ‘di ka sanay sa usap-usap, o wala kang nakakausap, o ayaw mo ng kausap?”

“Wala kang paki-alam! Alam mo, naiirita na ako. Bago ka masaktan eh umalis ka na dito.”

“Pinapatawa mo naman ako. Ako lang siguro ang una mong nakausap ‘no? Ano ba ang pinaggagagawa mo’t ganyan ka kailap? Nakakaawa ka naman. Mukhang kailangan mo ng makakausap.”

“Maawa ka sa sarili mo kapag sinaktan kita. Teka, nasa’n na ‘yung kausap ko kanina? Kakilala mo ba ‘yun?”

“Ah, oo nga pala. Kausap mo nga pala kanina ‘yung mokong na iyun. ‘Wag mo nang isipin ‘yung mokong na ‘yun. Walang kwenta ‘yun, puro porma lang ‘yung mang-aagaw na ‘yun eh. Bakit mo pa hinahanap ‘yun eh andito naman ako.”

“Mayabang ka rin pala. Mukhang madalas kang nakikipag-usap ah. May bilib ka rin sa sarili mo no? Ano ba mga pinagkakaabalahan mo?”

“Teka, okay na ba tayo? Hindi ka na galit? Hindi mo na ako papaalisin?”

“ May magagawa pa ba ako? Kahit naman yata sabihin kong umalis ka eh hindi ka rin aalis. Tutal, mukha ka namang maayos kausap. At mukhang kailangan ko nga talaga ng kausap. Pasensya na kanina, nabigla lang ako sa iyo.”

“Wala ‘yun, sanay na ako sa mga ganyang sitwasyon, mga ayaw at natatakot makipag-usap. Marami na ring tinaboy ako na para bang may gagawin akong masama sa kanila. Pero siyempre, hindi ako umalis at kinulit ko pa rin sila. Sa huli, nagkakasundo rin naman kami. Ang una lang naman palagi ang mahirap  sa lahat ng bagay. Speaking of una, ako ang una mong nakausap ‘no?”

“Hmmm… Hindi ikaw, may nauna pa sa iyo. ‘Yung hinahanap ko sa iyo kanina. Pero kung tutuusin, mukhang mas masarap kang kausap kaysa sa kanya, Uy? Uy? Uy! Nasa’an ka na?”

Yumakap ang malamig na hangin sa dalawa at sinubukang bihisan ang mga hubad na katawan ngunit naunahan na ito ng pawis at ng kamunduhan. Hinugot ng lalaki ang tite niya. Sumimangot ang babae habang sinusundan ng tingin ang lalaking isinasara ang bintana. Wala na ang hangin, ngunit hindi ang pawis at ang kamunduhan. Muling lumapit ang lalaki sa babae at hinalik-halikan ang babae at binulungan ito na dumapa siya. Nakakagat labing dumapa ang babae. Itinapik-tapik ng lalaki ang tite niya sa magkabilang pisngi ng puwet ng babae,  pinadulas sa mga hita nito at muling ipinasok.

“O sa’n ka nanggaling? Bakit ka umalis? Buti bumalik ka. Akala ko mabibitin ang pag-uusap natin.”

“Ayos talaga kayo ‘no? Kanina pinagtatabuyan mo ako, tapos ngayon, nawala lang ako sandali eh hinahanap mo agad ako. Kunwari pa kayong aayaw-ayaw.”

“Marami pa kasi akong gustong itanong sa iyo eh. Akala ko nawala ka na.”

”Ano nga pala ulet ‘yung pinag-uusapan natin kanina?”

“Sabi ko, mukhang mas masarap kang kausap kaysa doon sa nauna sa iyong nakausap ko. Madalas kang nakikipag-usap no?”

“Madalas-dalas din. Wala naman din kasi ako masyadong ginagawa, kaya nakikipag-usap na lang ako. Iyun ang mahirap sa walang magawa.”

“Buti hindi ka nagsasawa?”

“Hindi naman. Pero minsan nakakabagot kapag sila’t sila lang din ang nakakausap ko. Kaya minsan, kahit hindi ko trip, nakikipag-usap na lang din ako, kaysa sa tumanga ako. Kumbaga eh ‘No choice’.”

“Ganun ba. Baka mabagot ka sa akin, nakakahiya sa iyo.”

“ ‘Wag kang mag-alala. Hindi naman ako nababagot sa iyo. Kita mo nga, ako pa lumapit sa iyo at bumalik pa ako kanina dito nung umalis ako sandali. Kadalasan, nagugustuhan ko ang mga unang beses kong nakakausap.”

“Talaga? Natatakot lang kasi ako, baka mabagot ka sa akin.”

“Bakit ka naman natatakot na mabagot ako?”

“Baka kasi wala nang makipag-usap sa akin. ‘Lam mo, naiinip na rin kasi talaga ako. Ang tagal ko ring nag-isa. Ayoko na nga sanang maulit iyon.”

“Naranasan ko na rin iyan nuon. Parang hindi ko alam kung anu ba dapat ang gawin ko o ang ginagawa ko. Kaya simula nuong unang beses na may kumausap sa akin, hinahanap-hanap ko na ang pakikipag-usap. Hindi ko na nakakayanang mag-isa.”

“Mukhang marami ka na ngang nakausap. Ano ba pakiramdam ng marami nang nakausap?”

“Masarap. Mas masarap kaysa sa nag-iisa ka. At chaka, mas nakikilala ko ang sarili ko kapag nakikipag-usap ako kaya hanggat maaari, palagi akong naghahanap ng makakausap. Pero sa kabilang banda, katulad ng sinabi ko sa ‘yo kanina, nakakabagot din kung sila’t sila lang din nakakausap ko. Kaya’t madalas akong maghanap ng bagong makakausap.”

“Teka, naguluhan ako duon sa sinabi mo. Bakit kailangan mo pang kilalanin ang sarili mo?”

“Mahirap makipagusap kapag hindi mo kilala ang sarili mo. Tignan mo nga kanina, natakot at nainis ka sa akin kasi hindi mo ako kilala at hindi ako nakapagpakilala sa iyo.”

“Bakit nga ba hindi ka nagpakilala? Sino ka ba talaga?”

“Hindi ko alam. Hindi ko pa alam kung sino ako.”

“Ha? Nakakatawa ka! Ang labo mo!”

“eh bakit, ikaw ba, kilala mo na ba sarili mo? Alam mo na ba kung sino ka?”

“Hindi rin.”

“Hindi rin pala, tapos kung magsalita ka eh akala mo kung sino kang magaling.”

“Lam mo, sa totoo lang, hindi ko malalaman na andito pala ako, na ito pala ako, kung hindi ninyo ako kinausap.”

“Tignan mo. Kaya ako, gusto ko palagi ng may nakakausap.”

“Sa tingin mo, ilan pa ang kailangan mong makausap bago mo tuluyang makilala ang sarili mo?”

“Hindi ko alam.”

“Ha? Hindi ka ba natatakot na baka masayang lang yang ginagawa mo at baka hindi mo magawang kilalanin ang sarili mo?”

“Hindi. Sa katunayan nga, gusto ko ito, may thrill. Walang kwenta kung alam mo na ang mga mangyayari. Kapag ganun, parang hindi mo hawak ang kapalaran mo. Para kang laruan na may ibang kumokontrol at naglalaro sa iyo.”

“Ang gulo mo. Teka nga lang.”

Tumayo ang nakadapang babae at humarap sa lalaki. Naghalikan ang dalawa habang hinahawakan ng isa’t-isa ang kanilang mga ari. Inakay ng babae ang lalaki papalayo sa kama at sumandal ito sa mga dingding malapit sa bintana ng kwarto niya. Ibinuka ng babae ang mga hita nito at hinila ang titi ng lalaki papunta sa kanya.

“Mukhang komportable ka na sa akin ah.”

“Medyo, okay ka naman pala kasing kausap.”

“Ikaw lang naman kasi itong pakipot pa kunyari.”

“Maiba lang ako, pwede mo ba akong kwentuhan tungkol sa mga nakausap mo na? Siguro marami na sila.”

“Marami sila. Baka ikaw ang mabagot sa akin kapag kinuwento ko silang lahat.”

“Ganun ba. Hmmm, ikwento mo na lang ‘yung mga nakausap mo na hindi mo makakalimutan.”

“O sige. Kanino ba ako magsisimula? Hmmm, alam ko na! Kay…. Kay…. Kay….”

“Kanino? Sino?”

“Hindi ko alam kung sino siya eh. Hindi ko natanong pangalan niya. At Hindi rin ako sigurado kung kilala na ba niya sarili niya.”

“Ang labo mo rin talaga ‘no? Ayos ka rin.”

“Eh anong magagawa ko, nakalimutan kong itanong kung sino siya. Kakaiba kasi siyang kausap. At saka, mukhang hindi kami dapat nag-uusap. Parang bawal kaming magkausap.”

“Bawal pala eh bakit kinausap mo pa rin?”

“ ‘Yun nga ang gusto ko ro’n, masarap kapag alam mong nagagawa mo ang bawal. At saka, katulad na lang ng sinabi ko sa iyo kanina, nakakabgot kapag sila’t sila lang din ang nakakausap ko. Kaya sinubukan ko siyang kausapin at hindi naman ako nagsisi. Masarap siyang kausap! Kakaiba siya!”

“Paano naman siya nagging kakaiba?”

“Ewan ko, siguro kakaiba ‘yung mga pinag-uusapan naming at pati ‘yung mga pinag-uusapan naming ay bawal din. Tignan mo, dadating din ang araw, magsasawa ka sa mga nakakausap mo, magiging pare-pareho na lang sila kaya maghahanap ka ng mga kakaiba, ‘yung tipong magbibigay sa iyo ng bagong dahilan kung bakit kailangan mong makipag-usap.”

“Ayoko naman ng ganun. Nakakatakot, baka kung sino-sino na lang ang lumapit sa akin. Kung pwede na lang nga sana ay ikaw na lang ang palagi kong nakakausap.”

“’Wag mo naman akong bolahin. Nasasabi mo lang ‘yan dahil hindi mo pa nasusubukang makipag-usap sa iba. Sigurado ako, pag may iba nang kumausap sa iyo, makakalimutan mo na ako at maaaring mas magustuhan mo siyang kausapin kaysa sa akin kaya hahanap-hanapin mo siya. Maniwala ka sa akin, napagdaanan ko na ang lahat na ‘yan. Kaya nga, eto ako ngayon, palaging naghahanap ng bagong makakausap, at eto, nakausap kita.”

“E di ibig sabihin, makakalimutan mo rin ako pag nakipag-usap ka na sa iba?”

“Secret! Ako na lang ang makakaalam no’n!”

“Madaya ka rin ‘no? Pero basta, ayoko ng kung sino-sino na lang ang kakausap sa akin.”

“Kung ayaw mong maniwala sa akin, ito ang sasabihin ko sa iyo: Nasa sa iyo kung makikipag-usap ka sa iba o hindi. Huwag mong hayaang maging laruan ang sarili mo. Kailan man ay hindi mawawala sa iyo ang kontrol, pwera na lang kung ipagsawalang bahala mo ang kontrol mo.”

“E bakit ikaw, mukhang wala kang kontrol? E di laruan ka? Kasi marami ka nang nakausap eh.”

“Parusa ko ito.”

“Parusa dahil sa’n?”

“Parusa dahil sa pagnanais ko na makilala ko ang sarili ko. Pinili ko na maging laruan at mawalan ng kontrol sa sarili ko.”

“Ha? Bakit kailangan kang parusahan dahil do’n? Wala namang masama kung gusto mong makilala ang sarili mo sa tuwing nakikipag-usap ka, di ba?”

“Wala nga, pero sa kalagayan ko, nawawala na ako sa sarili ko. Naiiba na ang dahilan ko kung bakit nakikipag-usap ako. Hindi na dahil gusto kong makilala ang sarili ko, kundi dahil natatakot na akong mag-isa. At nakakagulo na ako ng iba na nananahimik at hindi ko naman dapat kausapin, pero kinakausap ko pa rin.”

“Pwede bang pakiulit? Wala akong naintindihan eh.”

“Hay, inosente ka pa nga talaga. Hayaan mong panahon na lang ang magturo sa iyo.”

“Sige na, ipaliwanag mo sa akin. Gusto kong maintindihan ang bagay na ‘yon. Sige na, ipaliwanag mo ulit.” pagpipilit ng kike ng babae.

“’Wag ka nang makulit,” sagot ng tite ng lalaki. “Kwentuhan na lang kita ng iba. Meron akong nakausap noon. Mapagpanggap! Kunwari gusto kang kausap pero hindi naman. Tapos, meron din akong nakausap no’n. akala mo kung sinong magaling kasi—“

“Bakit? Ano problema? Ayos ka lang ba?” tanong ng lalaki.

“Sorry, daddy. Hindi ko mapigilan. Naaalala ko si mommy.” Sagot ng babae.

At isang patak ng luha ang nagmamadaling umagos sa pisngi ng babae na nais saluhin ng hanging nasa labas ng bintana.

Jan
17

Ni : Bianca Camille Apostol

Self-centered akong tao. Lahat kasi ng bagay nakukuha ko. Bakit? Mayaman kami..kaya kong bilin kahit anong gusto ko. Ikaw?magkano ka ba?? Ganyan ako noon. Para sa akin, lahat ng bagay may presyo. Lahat ng bagay nabibili ng pera. Siguro dahil na rin sa environment kung saan ako lumaki kaya nagging ganyan ang pananaw ko sa buhay. Ibinibigay kasi ng magulang ko ang lahat ng gusto ko. Minsan di ko na kailangang hingin..nandyan na lang bigla..mula sa magagarang damit at sapatos hanggang sa mga high-tech na mga gadgets.. lahat ng kayang bilin ng pera, ibinibigay nila sa akin.. maliban sa oras at panahon nila. Bata pa lang ako..lagi na akong mag-isa. Walang kasabay kumain.. walang ibang kasama kundi ang mga maids at ang yaya ko. Busy kasi lagi ang parents ko sa kanya-kanya nilang  trabaho. Si papa..busy sa political career nya..isa kasi syang senador.. si mama naman, busy sa pagiging doctor nya.. she’s out to save the world and save lives..

Self-centered at selfish..pasaway sa school at puro barkada at gimmick ang inaasikaso.  Hindi mahalaga sa akin kung ano man ang mangyari sa buhay ko. Wala akong pakialam kung mabubuhay pa ako sa mga susunod na araw.. wala naman kasing mag-aalala sa akin kung mag drive man ako na lasing sa medaling araw. Hindi naman sila magagalit kung bumagsak man ako sa mga subjects ko.. not until one day.. nahuli akong umiinom sa premises ng school.. Principal’s office ang bagsak ko..pero dahil nga isa si papa sa mga sponsor ng school..hindi nya ako magawang pagalitan.. akala ko lusot na naman ako.. nandoon pala ang bago naming guidance councilor. Pinapunta nya ako sa guidance office..nakakatamad making sa mga sinasabi nya kaya isinuot ko na lang ang earphone ko at nakinig ng rock music na paborito ko..hindi ko namalayan na nakatulog nap ala ako. Isang tapik ang gumising sa akin..

“Miss Pascual, mukhang pagod na pagod ka.”

Napatingin ako kay Miss Lisa, ang bago naming Guidance Councilor at ako’y napahikab.

“Hindi pa ba kayo tapos sa panenermon nyo sa akin, ma;am?”

“Hindi naman ako nagsesermon. Kung nakinig ka lang at hindi ako tinulugan, baka sakaling may napulot kang magandang asal sa ikinuwento ko sa’yo.”

“Wala naman akong balak na making ng mga kwento mo. I want to go home.”

Hinawakan nya ang kamay ko.  “ you know, drinking is prohibited inside the premises of the school. And besides, hindi ka pa dapat uminom ng liquor.”

Nagtaas ako ng kilay. “Anong pakialam mo? You’re just hired here to work. Kami ang nagbabayad sa’yo..”

Ngumiti sya sa akin. “Yes, I’m just here to work and yes, my salary comes from your tuition fee, but, my job description is to guide you and help you kung may personal kayong problema.”

“I don’t need your help.”

“Bilang punishment mo sa offense mo, magiging assistant kita rito sa Guidance.”

Nanlaki ang mga mata ko.”oh..no..no..no… ayoko.. I’m not here to work.”

“Pero ayaw mo rin naming mag aral. Base sa mga records mo, halos lahat ng subjects mo pasang awa ang mga grades mo..yung iba ibinagsak mo.”

“And so? Parents ko nga di ako pinapagalitan, ikaw pa kaya?”

Tinapik nya ang balikat ko. “ well..maybe your parents are too busy..kaya ka ba nagka-ganyan?”

“Wala kang pakialam!”

“Okay..pero..assistant pa rin kita..see you tomorrow, Miss Pascual..or should I call you, Arrianne??”

Padabog akong lumabas ng Guidance office.

Kinabukasan, hindi ako pumasok sa school.. sino ba sya? Bakit kailangan ko pang maging assistant nya? Nag mall ako at pumunta sa mga bar.. late na ng umuwi ako at magulat sa nadatnan ko. Miss Lisa is sitting on the sofa sipping her juice.

“What are you doing here?” mataray kong tanong.

“Visiting you. Akala ko kasi may sakit ka kaya hindi ka pumasok kanina. Pero sa nakikita ko, mukhang ok ka naman.”

“Ngayong nakita mo ng ayos ako, you may leave.”

“Hihintayin ko lang ang parents mo. kakausapin ko lang sila tungkol sa behavior mo.”

Lalong nag init ang ulo ko. “my parent’s busy. Hindi ka nila makakausap. So..leave..”

Tumayo sya.. “basta pumasok ka na bukas..”

“Ayoko.”

“Fine..eh di, pupuntahan na lang kita rito at ako mismo ang magbibihis sa’yo at hihila para pumasok ka lang.. goodnight Arrianne..”

Nakaalis na sya’t lahat..hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi nya.

Kinabukasan, napilitan akong pumasok.. antok na antok ako habang nagtuturo ang mga teachers ko. At ng break na naming, napilitan akong pumunta sa Guidance office.. mas nakakaantok ang music na pinapatugtog ni Miss Lisa.kaya nakinig na lang ako ng IPod ko. Tinodo ko ang volume para naman hindi ko marinig ang mellow music na pinapakinggan nya. Nagulat na lang ako ng tanggalin nya ang earphones sa tenga ko.

“What the—“

Nakangiting mukha nya ang sumalubong sa tingin ko.

“Ano ba yang pinapakinggan mo? rock music? Masama sa tenga natin ang malakas na sounds.”

Padaskol kong inagaw sa kanya ang earphones ko. “pakialam mo.”

“May pakialam ako.. kaibigan kita, hindi ba?”

Napatitig lang ako sa kanya. ‘at kalian naman kita naging kaibigan?”

Natawa sya ng bahagya. “I like you, Arrianne..gusto ko ang mga katulad mo.. kaya itinuring na kitang kaibigan ko. And since mag kaibigan na tayo.. nag-aalala ako sa’yo.”

May kung ano akong naramdam..no one ever dare to that from me. Lahat sila takot sa akin. Hindi nila pinapakialaman kung ano mang gusto ko. And no one ever told me they care for me because we are friends. Si Miss Lisa pa lang.. sya palang..

Sunday.. boring sa bahay dahil as usual..puro maids lang ang kasama ko. Gustuhin ko mang lumabas at mag punta sa mall, wala akong gana. Sa isang lingo kong pagiging assistant ni Miss Lisa, parang ang daming nabago sa akin.. hindi ko na trip ang making ng mga rock music. Nawalan na rin akong mag bar hopping sa gabi. Kaya nagulat ako ng bigla na lang syang sumulpot sa bahay at niyaya ako. Nagkunwari akong galit.. at tumanggi sa kanya.pero makulit sya at hindi ko namalayan.. nasa isang bahay ampunan na kami.. mukhang palagi sya roon.. kilalang kilala na sya ng mga taga roon.. mukhang malapit rin sya sa mga batang inaalagaan doon. At muli.. napag masdan ko sya.. malamya syang kumilos at mahinahing mag salita.. palaging nakangiti..at maganda ang outlook sa buhay..  hindi ko sya nakitaan ng pag kainis kahit pa nga saksakan ng kukulit at iingay ng mga bata. Masaya pa rin nyang tinuturuan ang mga iyon.

Simula ng araw na iyon, lagi nya akong isinasama sa mga lakad nya.. mostly..sa bahay ampunan kung saan sya volunteer.

Isang araw, isinama ako ni papa sa pangangampanya nya. Nagpunta kami sa isang squatters area. Madumi ang paligid at puro tambay ang mga tao.. nakakatakot doon.. napatigil ako sa paglalakad ng may isang pamilyar na mukha akong nakita. Si Miss Lisa.. mukhang may pupuntahan sya.. habang busy si papa sa pagngangampanya, sumalisi ako at sinundan si Miss Lisa.. nakita ko syang pumasok sa isang maliit na bahay.. tumambay muna ako sa isang tindahan malapit sa bahay na iyon. May dalawang babaeng parehong may hawak na mga bata ang nagtsitsismisan.. ayoko sanang making ngunit nabanggit nila sa Miss Lisa..

“Ayan na naman sya.. “ saad ng babaeng mukhang ka edad ni mama.

Tumingin dito ang babaeng mas matanda lang sa akin na kaunti..

“Oo nga, ate.. mukhang magbibigay na naman sya ng pera kay mang andoy.”

“Nakuu..kung ako sa batang iyan..kakalimutan ko na yang si mang andoy.. maganda naman ang buhay nya.. “

“Nakuu..tama ka dyan.. kung ako dyan, hindi ko na hnanap pa ang magulang kong nag benta sa akin kapalit ng pera.. e wala naming kwenta yang si mang andoy.. pineperahan lang sya nyan para makapag sugal at maka inom..”

Nagulat ako sa natuklasan ko. Si Miss Lisa.. ibinenta ng sariling magulang?? May ganun ba talaga??

Nakita kong lumabas sya ng bahay at nagtama ang mga mata naming.. nilapitan nya ako at ngumiti..

“Bakit nandito ka, Arrianne?”

“Sumama lang ako kay papa..” iyon lang ang nasabi ko hanggang ayain nya akong umalis na sa lugar na iyon..

Hindi ko magawang itanong sa kanya ang mga bagay na gumugulo sa isipan ko.. tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa kanya.

“siguro nagtataka ka kung anong ginagawa ko roon..”

Napatingin ako sa kanya..

“Dinalawa ko lang ang tatay ko.. binigyan ng konting pera pambili ng pagkain..”

“ah..”

“Narinig mo bang mga kwentuhan nila tungkol sakin?”

Tango lang ang naging sagot ko.

“Totoo iyon.. ibinenta ako noong baby pa lang ako.. pero dahil naging mabait sa akin si God at mababait na magulang ang nakabili sa akin, gusto kong ibalik ang mga blessings na natatanggap ko sa pagtulong sa totoo kong pamilya. “

“Hindi ka nagalit?” mahina kong tanong

“Noong una, oo.. nagalit ako.. kaya lang, sabi sa akin ng isang taong malapit sa akin.. ano naming magagawa ng galit ko? Sisirain lang nya ang buhay ko.. kung hindi naman ginawa iyon ng tatay ko, sa tingin mo ba, ganito kaganda ang buhay ko ngayon? Kaya nagpapasalamat pa rin ako.. “

“Ganon ba..”

Tinapik nya ang balikat ko..

Hanggang sa bahay, dala ko pa rin ang mga bagay na iyon.. maswerte pala ako kung ganon.. bukod sa nakukuha ko ang mga bagay na gusto ko.. kasama ko pa ang parents ko kahit di kami palaging nagkikita. At least hindi nila ako ipinamigay o ibinenta..

Simula ng araw na iyon..nabuksan ang isipan ko sa maraming bagay.. hindi na ako self-centered at selfish.. natuto na akong magbigay at makinig.. inayos ko na rin ang buhay ko.. gusto kong tularan si Miss Lisa.. gusto ko ring maka touch ng lives ng mga tao.. gusto ko ring makatulong.. sa ngayon.. natuto akong mag sabi sa parents ko ng mga problema ko . sinubukan kong maging close sa kanila.. at katulong si Miss Lisa.. tumutulong na rin ako sa mga taong kaya kong bigyan ng tulong.. nag volunteer ako sa bahay ampunan..at nag aaral ako ng mabuti para balang araw.. may maipagmalaki rin ako at may marating sa buhay..

Jan
02

Ni Marjorie Raymundo

Maraming tao ang nagtatanong noon sa kin kung bakit ako napunta sa pag-aartista (maliban na lang sa tiyahin ko na isinigaw ang tanong sa kin apat na taon na ang nakakaraan nung nag-family reunion kami.) at sa bawat pagkakataon iba’t-iba ang nagiging sagot ko. Naiyak ako nung mapanood ko si Cyrano de Bergerac sa pelikula nung sampung taong gulang ako, may lihim rin akong pangarap na makatambal si Albert Martinez sa isang bold flick na siyempre ako ang bida, nung minsan namang namamasyal ako sa mall at may nakita kong senador na kasama ang kerida niya, nainggit ako sa dose-dosenang shopping bags na bitbit ng tatlo nilang bodyguard, nainggit din ako sa isang artistang pagkaganda-ganda ng costume pero hindi niya madala at nasabi ko na lang sa sarili kong mas bagay sa kin yan..

Lahat yan totoo pero siyempre may mga paborito ako.

Noong highschool at college, sinalihan ko lahat ng plays na meron at isinabay ko sa schoolwork. Ayos lang kasi time management lang naman ang kailangan di ba? Ang mga magulang ko siyempre pa ay tutol sa pinaggagagawa ko sa buhay kaya pinagbawalan nila akong sumali sa kahit na anong theater troupe. Likas na napakatigas ng ulo ko kaya sumuko na rin sila ng malaman nilang walang business taxation class na nagsisimula ng 10pm.

Tinanggap nilang talo sila sa isang kundisyon. Kailangan kong i-maintain ang grades ko at kailangan kong maka-graduate sa loob ng apat na taon. Nakakaloka pero kinaya ko kasi nasa dugo ko na yata ang teatro, parang hangin na kailangang-kailangan ko. Meron akong business degree, 93 percent grade point average pero pinakatatago-tago ko yan tungkol sa sarili ko.

Pagkatapos ng commencement exercises lumapit sa kin ang tatay ko na inihahampas sa kaliwa niyang kamay yung program habang nag-iisip. “hindi mo iiwanan ang pag-arte mo ano?”.“ Hindi po. Hinding-hindi. Nagbuntung-hininga siya. “Basta sinabihan ka namin ng mama mo. Wag mong sasabihing hindi.” Ngumiti ako. “Ok lang po. Constitutional right ninyo yun.” Nagbuntung-hininga siya ulit. “Si Lolo Elias mo magaling sa pagbabasa ng mga tarot cards saka yung isang pinsan yata ng mama mo singer sa choir.’’ Para bang iniisip niya kung kaninong DNA strain ang nagkasala. Ipinatong ko yung toga sa balikat niya. “magaling naman ako di ba?”. “hay naku anak yun nga ang ipinag-aalala ko eh.” Naaalala ko pa rin yung tunog ng boses niya habang sinasabi niya yun na para bang may gusto pa siyang idugtong pero hindi na niya sinabi.

Minsan akong naging narrator ng Christmas play nung kindergarten. Naging abra dancer din ako nung highschool, naging naglalakad na rin akong bangkay sa isang university production, isang dyslexic na cheerleader. Nang makagraduate ako ng college parte ako ng magulong mundo, ng tahimik na mundo, ng nakakahiyang mundo. Minsan ako si Madonna. Minsan naman ako ang alikabok sa kapa ni Batman. (Oo, inaalikabok yun kasi hindi nga siya nakakalipad.)

Kapag artista ka, ang unang pumapasok sa isip ng lahat ay napakaglamorosong mga imahinasyon. Yung tipo ng mga artistang pag nakita mo lilingon ka ng 360 degrees kasi akala mo si Linda Blair na yung nakasalubong mo. Mga artistang may mala-gatas na balat, mahirap abutin at napakabango.

Opposite ako ng mga artistang ganun. Ako yung nanay na nakasuot ng pangit na printed na palda habang tumatawid sa Kalentong tuwing umaga. Minsan, nakasuot nga ako ng Freego na jeans pero may nakatakip naman sa mukha ko na panyo habang may dumadaang bus sa harapan ko. Lagi akong nakikita at lagi rin akong hindi nakikita. Sabi ng theater adviser ko nung college ang mga pinakamagagaling na artista ay mga multo. At naniniwala ako don. Katulad ko at katulad din ng ilang katulad ko. Lumabas na kami sa mangilan-ngilang pelikula at soap operas pero wala maski isang manonood ang nakaalala sa min. Naalala nila yung gahaman na pinsan ni Edgar, yung kapatid na babae ni Beatrice, ang tapat na si Trining, ang cute na si Poknat, pero walang nakaalalang minsan naging ako si Madonna.

Sa buhay artista maraming beses pwedeng maging ako si Madonna. Pwede ding si Guy Richie para may variation naman. Ang buhay artista ko ay masalimuot at matamis. Tulad ng paghinga ng bawat tao may mga bad particles ding pumapasok. Mas marami nga lang ang nailalabas.

Excerpt sa isang oras ng buhay teatro: Pagkatapos ng palakpakan sa stage at high-five sa mga socialite na kunwari mga kaibigan mo. Sasakay ka ng jeep iaabot ang bayad kay manong at hihingin ang sukli mong piso na kinalimutan na niyang ibigay. Papara ka at pagpasok sa bahay magluluto ng Lucky me instant noodles para hapunan. Bibilangin ang natirang pera at matutuklasang bebente na lang ang natitira mula sa ibinayad sa yo para lumabas sa stage. Matutulog ka na habang pinapaalalahanan ang sariling may gala show ka ng 2pm at matinee show ng 4pm kinabukasan.

May mga bagay na pangit pero masaya. Mahirap pero pinagtitiisan.. ganun ang pag-aartista para sa akin. Mahirap ipaliwanag. May magnet kasi ang teatro.. napakalakas ng magnet ng teatro.


–Nakuha ko to mula sa diary ng nanay ko. Na-shock talaga ko, hindi ko alam na naging artista pala siya. Ipinasa ko tong pyesa na to bilang final requirement, pinapasa ko na ulit para naman maraming makabasa kahit papano. Minodify ko lang ng konti yung sentences.

Dec
15

“…so I put my hands up, they’re playing my song, the butterflies fly away…”

“Sis, gising. Cell phone mo tumutunog.”

“Huh? Anu yun sis?”

“Cell phone mo kako tumutunog.”

“Naku sis! Alas kwatro na pala. Ganito ang alarm ng cell ko.”

Nagmamadali ng bumangon ang kaibigan kong si Joy. Naiwan pa ako sa higaan para mag-inat. Maxadong maaga ang alas kwatro. Hindi na ako sanay gumising ng maaga.

“Sis mag-init ako ng tubig, kaw din ba gagamit?”

“Hindi na sis, sayang sa gas,haha”, pabiro kong sagot sa kanya. “Ako na ang maunang maligo habang nagpapakulo ka pa.”

Sa totoo lang, hindi na ko gumamit ng mainit na tubig simula ng matira ako sa Baguio. Parang ordinary na lang ang malamig na tubig. Tsaka mas gising na gising ang buong katawan ko ‘pag malamig na tubig ang ginagamit ko.

“Anung oras ba ang lakad niyo? Mga 5:30 na kayo lumakad para may dumadaan ng bus dyan sa monumento. Mga 1:00pm kayo makakarating sa pupuntahan niyo.”, ang sabi ng mama ni Joy.

Kumain muna kami bago tuluyang umalis dahil di kami pinaalis ng mama ni Joy dahil maaga pa daw para bumiyahe. Nagpahatid kami sa tricycle sa may sakayan papuntang Cubao. Alas-sais na ng dumating kami sa terminal. Nakaalis na yung bus na nakaskedyul ng 6 am. Hindi kami umabot. Sayang.

Sumakay na kami sa susunod na bus. Alas-siyete ang biyahe na dinatnan namin. Hindi kami mapakali. Siguro dahil excited kami pareho ni Joy.

“Anu ba ang pinakamabilis na pwedeng sakyan?”, biruan namin.

“Mag-eroplano na lang tayo!”, ang sagot ko naman na sinundan ng halakhakan.

Maingay kami sa bus. Dumating pa yung isang kaibigan kong si Zeny na bibiyahe din.

Parang ang tagal ng takbo ng oras bago umalis ang bus. Ang tagal lumipas ng tatlumpung minuto. Hindi aalis ang bus hangga’t walang alas-siyete, pwera na lang kung mapupuno at dadami ang kasabay naming bibiyahe.

Kwentuhan, tawanan at walang hintong asaran ang nangyari sa’min. Hanggang maramdaman naming unti-unti ng umuusad ang bus. Yehey! Aalis na.

Maluwag pa din ang bus kaya nag tig-iisa kami ng upuan sa bus. Parang donya na nakataas pa ang mga paa. Nakapatong din ang mga bag ng gamit para hindi madumihan.

Binuksan ng konduktor ang TV. Kahit papano ay nabawasan ang pagkainip sa biyahe. Pagkatapos ay nag-umpisa na siyang mangolekta ng pamasahe.

“San kayo?”

“Baguio po. Dalawang estudyante,isa pong hindi.”,

“Pakilabas na lang po yung ID.”

“Eto po yung ID namin.”

Yes! May discount. Nakatipid na naman kahit paano. 70 pesos din yung nabawas ah. Isang biyahe na din yun sa taxi ‘pag nagkataon.

Napakatagal pa ng biyahe. Nag-ayos na ako ng pwesto ko para matulog. Baka sakaling paggising ko ay nandun na kami sa aming pupuntahan.

Makalipas ng isang oras, nasa Pampanga pa lang kami. Hindi na muna ko nakatulog dahil nagkaroon ulit ng asaran.

“uuuy! Excited. Di makatulog oh!” sabi ni Joy.

“Nyek! Nakatulog na nga ako eh. Baka ikaw ang excited. Oh baka si Zeny” , ang baling ko kay Zeny.

Tawanan na lang ang nangibabaw dahil kahit di aminin ay excited talaga kaming tatlo. Lumipas pa ang mga oras. Nakailang beses akong pumikit at nakatulog.hindi ko na namalayan kung nasan na kami. Dinaan ko na lang sa pagtulog ang pagkinip. Sayang lang at di ako nakapagdala ng unan.

Nahihilo na ako. Nakailang pose na ba kasi ang nagawa ko. Talagang matagal ang biyahe. Huminto ang bus. Nagkape ang driver. Pinagmasdan ko ang paligid. Madami ng puno. Bukod sa aircon, mukhang nadoble na ang lamig na nararamdaman ko. Sa malayo, natatanaw ko na ang paliko-likong daan. Wiih! Malapit na kami. Nararamdaman ko. Hindi na kami mapakali sa aming kinauupuan. Mas maingay pa kesa sa unang usapan. Mas mataas ang energy. Parang hindi napagod sa biyahe.

Ilang minute na lang ang lumipas, sa wakas, dumating din.

“Saan na kayo?”, ang tanong ni Zeny.

“Daan muna kami sa SM saka pupunta sa bahay na tutuluyan namin. Ikaw ba?”, sagot ni Joy.

“Ay, doon ako sa bahay ng kaibigan ko tutuloy ngayon. Naghihintay na siya sa’kin. Kita na lang tayo maya sa Hundredth Night show ha? Una na ko.”

“Sige sige, text text na lang. Ingat!”

Naghiwalay na kami ni Zeny. Kasama ko si Joy. Dadaan muna kami sa SM.

“Sis, bili muna ko ng apple ha? Favorite kasi ni Daga yun eh.”

Natawa na lang si Joy sa sinabi ko. Bibili na lang daw muna siya ng pagkain namin. Pagkatapos ay sumakay na kami ng taxi papunta sa bahay na aming tutuluyan.

“Manong, sa Gabriela Silang po.” sabi ni Joy sa driver.

“Sis, sino nasa bahay niyo ngayon?”, ang usisa ko.

“Nandun yung mga tita ko. Yung kapatid ko maya pa yun uuwi galing sa duty.”

Dalawampung minuto lang ang inabot ng biyahe. Mabilis. Dintanan naming ang pinsan ni Joy. Nag-usap sila ng Ilokano. Di ko naintindihan. Magulo. Malayo sa lenggwaheng nakalakihan ko. Mabilis, maigsi at madiin ang mga salita. Hinayaan ko na lang dahil nakikiramdam lang din ako sa bagong paligid.

“Sis! Lalabas ba sila?”, ang tanong sa kin ni Joy.

“Naku sis. Di pa din nagtext si Daga sa’kin eh. Pero if ever, tayo na lang ang pumunta dun. Alam mo naman, duty first.” Dinaan ko na lang sa biro ang sagot ko kay Joy.

Mahirap kasi tantyahin ang oras ng mga taong dadalawin namin. Laging may biglaang duty. Kundiman, hindi naman sila pwede pumunta sa mall o kahit lumabas man lang. Kadete kasi.

Kumain muna kami tsaka nagpalit ng damit. Naghanda na kami para pumunta sa 100th night show na taunang palabas sa PMA tuwing bago magpasko.

Alas sais ang umpisa ng palabas kaya 5:00 pm kami umalis ng bahay. Baka mubusan kami ng mauupuan. Paniguradong madaming manonood ng palabas, Sabado kasi.

Hindi pa nag-uumpisa nag palabas ng dumating kami. As usual, tulad ng inexpect namin, may duty nga sila Daga. Hindi rin namin sila kagad nakita. Si Sabs naman dumaan para sabihan si Joy kung saan sila magkikita pag nag-umpisa na ang palabas.

“San k n?”, text ni Daga.

“d2 sa grndstnd.kaw?”

“d2 p rum. W8, pnta n ko.”

“ok.”

Before 7pm na nagstart ang palabas. Nagkita-kita na ulit kami nila Zeny. Tabi-tabi kami sa upuan. Dumating na din si Sabs para manuod kasama si Joy. Nagtext na din si Daga. Sinundo ko pa siya. Madilim na kasi ang paligid dahil piñata na ang ilaw nang nag-umpisa ang palabas.

Matagal bago ulit kami nagkasama sama. Tuwing summer break, sembreak, at Christmas break lang namin sila nakakasama. Pero ngayon, may dalawang araw kami para makasama sila Daga.

Pagkatapos ng palabas ay nagkaroon ng munting salo-salo sa mga booth na itinayo sa labas ng hall. Mag-aalas onse ng gabi nang ihatid nila kami sa terminal ng taxi palabas ng academy. Buti na lang at may free ride sa school bus nila kaya hindi kami nahirapan.

Masaya ang gabi. Parang dapat bumagal ang oras. Pwede bang i-rewind? Tumuloy na kami sa kwarto namin ni Joy dahil tulog na din ang ibang kasama namin sa bahay. Doon lang kami nakaramdam ng pagod. Nakakapanlata. Para kaming hinahabol ng oras. Mula alas kwatro ng umaga hanggang alas dose ng hatinggabi ay ratsada kami(pwera lang sa mga pag-idlip sa bus). Dapat ng matulog para may lakas na ulit bukas.

Kinabukasan, naunang nagising si Joy.

“Sis, dapat daw 9 am nandun na ko sabi ni Sabs.” ang bungad niya ng napansin niyang dumidilat na ako.

“Ganun ba. May dadaanan pa ko bago ko ulit pumunta dun eh. Dadaan muna ko sa foster parents ni Daga bago ko dumirecho dun. Pero sabay na tayo papuntang town.”, ang sagot ko.

“Ok.”

Lumakad na ulit kami. Kahit kulang sa tulog, ay direcho pa din ang lakad. Medyo masakit pa ang mata ko. Antok pa. Kaya lang sayang ang oras. Sa ibang araw na lang ako babawi ng tulog. Pagbalik ko na lang sa Bulacan.

Pagkagaling ko sa bahay ng foster parents ni Daga ay dumirecho na din ako kagad sa PMA. After lunch daw ay may duty na ulit kaya dapat abutan ko pa. Christmas Party ng mga staff ang dinatnan namin. Madaming taong naglalaro sa may grandstand. Maingay. Nagkakasiyahan ang lahat. Tinext na lang ako ni Joy kung san ko sila makikita ni Sabs. Tinext ko na din si Daga kung san kami magkikita.

Lumibot kami. Kwentuhan, tawanan, kulitan. Nakasalubong namin ang mga klasmeyts niya na dating klasmeyts ko din.

“Mistah! Kumusta? Tara kain tayo. It’s my treat. Total ngayon ka na lang ulit bumisita dito eh.”, ang aya ang klasmeyt namin.

Pagkatapos kumain ay nagtext na din si Joy. Nagtext na daw ang mama niya na wag kami magpahapon ng biyahe para di kami gabihin ng sobra pauwi. (*sigh*) Uuwi na ulit kami. Doon ko naramdaman ulit ang pagbilis ng oras. Wala na bang extension?

Past twelve noon na nang ihatid ulit kami nila Sabs at Daga sa terminal papuntang city.

“babye!”

“bye”

“babay!”

“babye. Ingat kayo ha?”

Walang katapusang paalamanan na naman. Sa pasko na namin sila ulit makikita at makakasama. Matagal tagal din ang 12 days. Isa’t kalahating linggo; 288 na oras; 17280 minutes; 1036800 seconds pa ang dapat lumipas.

Dumirecho na kami sa bus terminal pauwing Cubao. Bitbit ang mga gamit, parang ang bigat ng pakiramdam. Wala ng excitement. Gusto na kagad naming makauwi.

Sa biyahe, puno ang bus. Magkatabi lang kami ni Joy sa upuan. Walang imik nung umupo na kami. Nagpapakiramdaman. Nakikisimpatya. Uuwi na kami ulit. Tapos na ang dalawang araw naming bakasyon. Babalik na ulit ang lahat sa dati. Sa cellphone na lang ulit maririnig ang boses at sa picture na lang makikita ang mga itsura nila.

Sa biyahe, di ako kagad dinalaw ng antok. Nakatingin lang ako sa bintana habang umaandar ang bus. Tama nga. Time is the most playful element; It lengthens the minutes when you wait and rushes the hours when we enjoy the moments. Napakabilis nga naman ng oras. Kung kelan ka nag-eenjoy tsaka nagmamadali samantalang ang tagal kapag naghihintay.

Sabagay, hindi lang naman nag-uumpisa at nagtatapos ang pagmamahal sa dalawang araw. Nagtutuloy tuloy ito hanggang dumating ulti ang araw na hinihintay sa pagkikita ulit. Sa araw na iyon, bagong kwento, bagong isyu, bagong kapaligiran, bagong memory ng pagsasama.

Dinaan ko na lang ulit sa pagtulog ang mahabang biyahe. Madilim na ang paligid. Alas diyes na ng gabi ng makauwi kami ulit sa bahay nila Joy. Doon na lang din ako tumuloy dahil madalang na ang jip papuntang Malolos. Kumain kami ng hapunan at nagpalit na ang pantulog. Pagod at antok na ang naramdaman namin. Hindi pa ulit nagtext sila Daga at Sabs samin. May duty pa ata. Hindi na namin nakayanang labanan ang antok. Bago ko tuluyang pumikit nakapagtext pa ko kay Daga.

“Gudnyt!”

Tungkol sa awtor: Ang awtor ay kasalukuyang nag-aaral ng BS Math major in Computer Science sa Bulacan State University. Nainiwala siyang may takdang panahon tulad ng sinasabi ni Big Brother. ;)

Nov
30

NANG MAKITA KO ANG REYALIDAD SA MGA KUWENTO NG IDOL KONG MANUNULAT

ni

Edel Larin

 

Sabi ni Jesus Arceo ang manunulat daw ay isinisilang at hindi nagagawa. Sa modern term ngayon ang tawag don ng mga bata destiny. Ipinanganak ka na maging ganito at maging ganire (bawal humirit at hindi puwedeng humindi).
Kung totoo man itong paniniwala ni Arceo, 100 % sure na hindi ako magiging manunulat. Mula sa mga naaalala kong interes at gustong gawin nung araw wala akong naaalalang inambisyon kong maging manunulat.

 

Yung Ako Muna

Produkto ako ng public school simula elementary hanggang high school. Part ng adventure ko sa pag-aaral ang maka-survive sa pang-aalaska ng mga kaklase kong sira-ulo. Nagsimula iyon nung grade four, five at six, ako ang may pinakamaraming koleksyon ng bansag sa aming magkakaklase. Naaalala ko pa yung ilan. Una tawag nila sakin kulog, lagi kasing may lamang plema yung lalamunan ko (na pagka idinura ko ay kulay berde na manilaw-nilaw). Hirap na hirap akong pigilan sa klase yung pag-ubo, na para ngang kulog na mahina kapag pinakinggang mabuti, ang kaso sa kakapigil-kakapigil pagka sumambulat nadodoble pa ang lakas kaya napapansin lahat ng mga kaklase ko. Pagkatapos na pagkatapos ng klase sigawan na ang mga hinayupak, si Kulog nagpasabog na naman!

Yung isa pang harot na natatandaan ko na ikinakabit na pilit sa akin ng mga kaklase ko, kuba. Hukot kasi ako nung araw. May mga tumatawag pa nga sakin ng Lolo Kuba. Tapos yung isa pang harot nila sakin na mahirap ipagkaila, manok. Mukha raw kasi akong may siko sa leeg sa laki ng adams apple ko. Minsan pa nga nagkaklase kami hindi ko napansin yung dalawa kong kaklaseng tarantado na tingin nang tingin pala sa leeg ko habang lumululon ako ng laway at tuwang-tuwa ang mga hinayupak nung nakitang parang may bolang gumugulong sa leeg ko. Minura ko nang mahinang putang ina lang naman yung dalawang ugok, kaya lang ang malas narinig pa rin nung titser namin sa English. Kaya tinawag ako sa harapan at pinagpaliwanag sa harap ng klase kung bakit ako nagmumura. Sinabi ko yung ginawang pang-iinsulto sa akin nung dalawa kong magaling na kaklase (na walang ibang alam harutin kundi ako). Okey na sana kasi tinawag din sa harapan yung dalawa kong kaklaseng ugok at pinagalitan pa. Ang sagot nung isa Mam kasi nakakatuwa pong tingnan yung adams apple nya ang laki-laki (sa puntong iyon may mga lihim nang tumatawa sa mga kaklase ko, nagtatakip lang ng panyo para hindi halata). Hihirit pa sana yung titser namin para pangaralan yung dalawa kong bwisit na kaklase ang kaso sumabit talaga sya, nung mapatingin sa leeg ko at mapatunayang malaki nga, hindi na napigilan yung kanina pa palang tawa na gustong-gusto nang makahulagpos sa bibig nya. At napuno na nang tawanan ang loob ng classroom.

Lumitaw ang totoo, isang pekeng pangangalaga sa pagkatao ng mga estudyante nya ang ipinapakita sa akin ng titser kong Inglisera. Pauwi ng bahay tatlo na ang minumura ng loob ko, highlight sa akin ang pangalang Mrs Mariano. Siya ang kauna-unahan kong titser na nakuhang isumpa dahil sa sama ng loob.

Hindi ko na maalala yung ibang mga harot sa akin, pero ang hindi ko talaga makalimutan yung kultura ng klase namin dati na pagka ibang kaklase namin ang napagtripang harutin, mga twenty to thirty minutes lang ang tinatagal pero pagka ako naman ang napagdiskitahan bukod sa full force ang buong klase inaabot pa ng halos buong maghapon bago nila ako tigilan may mga pagkakataon pa ngang pauwi na lang kami sa hapon hinihiritan pa ko ng mga buwiset. Nag-iisip tuloy ako dati kung ano ba ang masamang ipinakisama ko sa kanila para tortyurin ako ng ganoon. Sayang tuloy, gusto ko pa naman sanang manligaw noong elementary pa lang hindi ko tuloy nagawa.

Paglipat ko ng high school, akala ko makaka-move on na pero hindi pa rin nangyari. Iba ang labanan sa klase namin, ang harutan mas madugo, pisikal at saka kailangan laging may nasasaktan. Sandamakmak kasi ang vacant ng mga estudyante sa Marano Ponce H.S. kaya ang ginagawa namin palagi tumatambay muna kami dun sa isang lugar na malapit sa kwarto namin. Nakaisip yung iba ng kagaguhan na puwedeng gawin, akalain mong magpukulan ba naman ng bato sa ulo. Okey sana nung una, kaso lumalaon parang iisa na lang ang nagiging puntirya para batuhin, ako. Pag tinamaan ka sa ulo ng maliit na bato, iba-iba ang pakiramdam, may feeling ako kung minsan na parang makati lang na kaskasin mo lang nang kaunti ng daliri nawawala na, pero may mga pukol sakin na parang ang pakiramdam ko pumutok yung ulo ko sa sobrang sakit. Hindi ako makapagmura sa mga abnormal kasi barka-barkada baka pagka minura ko baka ako maduwit sa bandang huli. Bukod pa ro’n ang hirap din talagang mahuli kung sino ang bumabato sakin. Ang naging solusyon ko nagsolo-flight na lang ako sa pagtambay sa paghihintay ng klase.

May pangalawang pangalan ng titser na maidadagdag sa unang titser na isinumpa ko nung elementary. Kasi ba naman ganito ang kuwento may exam kami sa science, yung katabi kong babae na si Clarissa, wala yatang maisagot na kahit ano, kaya panay ang tingin sa papel ko. Ako naman, pagwapo effect pinagbibigyan ko lang. Ang kaso kanina pa pala kami tinitingnan ni Mrs. Morales. Yari. Nung makalapit sa amin binungangaan si Clarissa pero sa akin ang patama. Hoy! ikaw pag hindi ka tumigil sa kakakopya rito mazezero ka sa exam! Sabay konyat nang malakas-lakas sa ulo ko. Insulto to the highest level talaga ang inabot ko ro’n. Pag-uwi ng bahay kung may deposito ng masamang sumpa at putang-ina si Satanas sa impyerno malamang naubos kong lahat yon kay Mrs. Morales.

Pakiramdam ko non pakapal nang pakapal ang dapat bayaran sakin ng mga taong yumayari sa akin sa iskuwelahan. Nito ko na lang maiintindihan ang silbi ng mga karanasang iyon nung maging titser na rin ako.

 

Ang Unang Encounter Ko sa Kanyang Maikling Kuwento

Third year na ko no’n sa high school ng first time kong mabasa ang kuwento nya. Ang bilis ng reaksyon ng utak at puso ko sa mga sinasabi nya sa kuwento. Kada salita at paliwanag kahit hindi ko pa masyadong intindido parang gusto kong sang-ayunan. Sabunutan yang Mrs. Moral Character na yan. Tadyakan ng tigi-tig-isa si Mrs. Gles-ing, Mr. Mathematician, Miss Spermatozoa at Mr. Discipline. Pulbusin ang mga hayop sa iskuwelahan. Pero ako, may iba pa akong sintemyento, hindi lang mga titser ang buwisit sa buhay ko, pati yung mga kaklase kong asal hayop ang ugali pag dating sa mga kaklase.

Pero kahit na may iba akong gustong pagbabanatan nung mga araw na yon okey na okey pa rin sakin yung pagkakabasa ko nung kuwento na yon. Sa pamamagitan no’n parang pakiramdam ko nakahanap ako ng kakampi. Kakamping kahit hindi personal na nakakausap ay mas sinsero naman ang pagmamalasakit at paglalahad sa kanyang mga kuwento. Natatandaan kong pahapyaw lang na tinalakay ng titser namin sa Filipino ang kuwento, ang suspetsa ko pakiramdam nung titser namin nabubukulan sya sa mga pinagsasasabi ng istorya. Pakiramdam ko nayayanig sya sa gustong sabihin ng kuwento.

Tyempo talaga ang pagkakataon naroroon ang isang kaluluwa na katulad ng sa akin na patuloy na pinagwiwindang-windang ng mga karanasang magaspang at malupit. Nauubusan na ng dugo at lakas at aksidenteng babagsak sa harapan ko ang isang texto ng buhay na magtuturo sa akin kung papano ko pag-iisipan ang paglaban. Nakipagniig ako sa katapatan ng mga salita sa kuwentong iyon. Kahit walang partikular na alam sa background ng manunulat sinubukan kong hulaan kung papaano sya nakapag-produce ng ganitong anyo ng istorya. Kalaunan, na-realize ko talaga sa sarili, na hindi rin naman pala ako ang pinakakawawang estudyante sa mundo.

 

Ang Impluwensya ng Tutubi sa mga Personal Kong Paniniwala

Iniisip ko kung ikuwento ko kaya sa kanya ngayon ang istorya kung papano napunta sa kamay ko ang nobela nyang “Tutubi, Tutubi Huwag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe”. Dinekwat lang ng utol ko yon sa library ng PUP tapos ibinenta sa akin ng isangdaan. Tinapos ko lang yatang basahin sa loob ng isang gabi hanggang madaling araw. Mas lalong hinangaan ang hagod ng bawat pangungusap. Masarap basahin, walang sagabal sa pag-intindi. Parang kabarkada ko lang ang nagkukuwento. Kung sa kanyang kuwento naroroon ang kakayahan nito sa akin na sagipin ako sa personal kong pagkahulog sa mga inaakala kong sagabal sa pagbi-build-up ko ng sarili, ang nobela naman nyang ito ay mas nagbukas sa akin ng sensibilidad sa mga taong kasangkot sa buhay kong ginagalawan. Biglang naisip ko yung mga pagkakataong masaya rin naman pala ako pagka sabay-sabay kaming kumakain ng fish ball ng mga kaklase ko at sama-sama naming pinipintasan at pinagtatawanan ang pag-iingles-ingles ng titser naming inglisera. Naisip kong bigla na hindi kaya masyado lang akong OA sa ginagawa nila sa akin kaya ako masyadong nasasaktan sa mga biro nila? Biglang sumaksak sa isip ko ang importansya ng pakikisama. Naka-relate ako sa mga bahagi ng nobelang nagkukuwento tungkol sa mga kalokohang masaya palang gawin kung mayroon kang mga kasama sa paggawa nito. Kung papano magnakaw ng pagkain sa ref ng landlady nyo, kung papano makipagsabayan ng tagayan sa mga kachokaran mo at manood ng bold show at sabay-sabay kayong malibugan sa iisang babae.

Unti-unti kong narealize sa sarili na ang itinatanim kong galit sa puso sa bawat atrasong ginagawa sakin ng kapwa ko ay nagdudulot sa akin na huwag maging masaya at magpasyang mag-isa na lang sa anumang lakad.
Hindi talaga politikal ang epekto sa akin ng nobela, kung mayroon man sandali lang ang pagkaramdam sa impact nito, isang dekada na ring wala si Marcos sa Pilipinas nung mabasa ko ang nobela, ka-OAang maliwanag kung matindi parin ang magiging galit ko sa kanya, tagal na kaya no’n.

 

Unang Personal Encounter Ko sa Kanya

Titser na ko nung mangyari yon, seminar sa San Pedro National High School sa Hagonoy. Inorganize iyon ng KAGUFIL (Kapisanan ng mga Guro sa Filipino). Nung mabalitaan kong siya ang magiging isa sa mga ispiker, nakipag heart to heart talk pa talaga ako kay Mrs. Fundales (Department Head namin) ipinaliwanag ko sa kanya na matagal ko ng pangarap na makita at marinig ng personal ang manunulat na iyon na kung puwede ay pasamahin na niya ako kahit magbayad ako ng personal kong pera sa seminar. Nakita naman nya kung gaano ako kaseryoso sa sinasabi ko kaya napapayag ko rin sya na idagdag ako sa ipapadala sa Hagonoy. Ayos yon! Libre pa lahat pati pamasahe.

Dalawang oras yata ang byahe mula Baliuag hanggang Hagonoy, alas otso ang simula, pero dahil sa sobrang pagkaatat ko isang oras ang inilaan kong allowance. Sabi ko sa sarili hinding-hindi ako malelate.

Nang sya na ang sumalang para magsalita, nakaramdam kaagad ako na iba talaga ang dating nito. Sinabihan yung tagapagpakilala na puwede ba putulin na yung pagbabasa ng credentials iyon daw kasi pampahaba lang ng program at ginagawa lang sa mga bata.

Fiction ang diniscuss nya, basics kung papano ka magkukuwento. Panalo talaga yon kahit sa teknikal na aspeto ng pagtalakay nya. Basta yung ending ng discussion nya inencourage nya kami na magpulong-pulong sa bahay-bahay ng mga kasamahan naming titser at ang bukod tanging agenda iworkshop iyong mga kuwento namin, kesa naman daw pag tsismisan namin yung kabobohan ng mga estudyante namin, na hindi naman daw talaga malalaman kung sino sa titser at estudyante yung tunay na bobo.

Kinagat ko yung ideya nya, yun nga lang hindi mga titser ang nakasama ko sa mga workshop sa bahay kundi mga estudyante ko rin sa high school. Na nung sinabi ko yung plano ay na-excite pang lahat na makapunta sa bahay namin.
Lalo pang gumanda yung naibigay na orientation samin kasi naisabit din nyang isama yung ilang mga manunulat na taga UP rin, si Joey Bacquiran (nag-lecture sa tula), Rommel Rodriguez (nagbasa ng panget na halimbawa ng kuwento) at Rene Villanueva (ginawa nya samin yung exercise ng extreme of consciousness).

Ikuwento ko rin kaya sa kanya ngayon na nung araw na yon sa San Pedro H.S. nung mag-CR sya sa CR ng mga estudyante sumunod ako para magpapirma ng autograph, ang kaso napamura ko at nagtaka kasi ang bilis-bilis naman nyang umihi. Di pa man ako nakakabuwelo para mang-istorbo pabalik na sya sa upuan nya.

Nung mga panahon na iyon sumusubok-subok na rin ako sa Liwayway, hindi nga lang makalusot kay Rodolfo Salandanan mga gawa ko.
Pagkatapos ng seminar pag-uwi na pag-uwi ko ng bahay daig ko pa ang naka-ecstacee kung magsulat. Yung sinusulatan kong diary nakakasampung page yata ako kada-araw. Hindi ko na maisip ngayon kung papano nakatulong iyon sa akin, basta inaaraw-araw ko lang ang pagsusulat ng kung ano-ano. Anything and everything, inaangguluhan para sulatin. Kung tama ang suspetsa ko, dahil sa ilang taon na pag-eexercise sa pagsulat sa diary dumulas ang paggamit ko sa salita. Nakapagmamaniobra na ako nang maayos sa pagkukuwento, yon ang una kong napansin.

Sinubukan kong magproyekto ng isang kuwento tungkol sa pagbebenta ng kung ano-anong mga tiket sa iskuwelahan. Ilang buwan yung nagdaan, after ten long years, naknamputsa nakatsamba na ko sa Liwayway lumabas na yung “Pangalawang Magulang” kahit black and white yung picture feeling ko ang gwapo-gwapo ng itsura ko. Si Reynaldo A. Duque na ang EIC no’n sa magasin.

Na-realize ko ulit hindi man sya aware, patuloy na lumalaki ang utang na loob ko sa kanya. Malapit ng umabot sa isang dekada ang bulong at impluwensya nya sa akin.

 

Hindi Ko Namalayan, Etsapuwera na pala Ako

Nang malipat ako sa BSU (Bulacan State University) kasama ng pag-usad kong iyon mula high school teaching patungong college nagdesisyon na akong sumubok na sa UP para mag-aral. Nabalitaan sa isang kaibigan na tumatanggap naman ng mga estudyante na hindi graduate doon. Pakukuhanin ng entry course bago tuluyang makapasok sa programang inaplayan.

Dalawang entry course sa MA ang kinuha ko bago pinayagang kumuha ng subject sa MP, PhD. Pakiramdam ko sa simula ang ganda ng take-off ko, sabi ko sa sarili mukhang kakayanin. Pero habang tumatagal bumibigat yung pakiramdam dahil nakikita ko na yung mga kakulangan sa oryentasyon ko. Habang tumatagal paikli nang paikli yung mga pinagbababanat ko sa klase. Nakaramdam ako na mukhang kailangan ko muna yatang basyuhin yung sarili ko at mamili ng mga oryentasyong puwede kong ipalit sa mga luma. Hindi iyon madaling gawin katumbas iyon ng pagtatapon ng mga bagay sa loob ng bahay mo na mahalagang-mahalaga sayo pero kailangan mong itapon kasi natuklasan mong bigla na hindi mo na pala iyon puwedeng pakinabangan. Kahit ganon lagi ko paring nakikita ang katwiran para maniwala at sumunod. Kaya ang conclusion ko don parang ganito: okey na parang hindi.

Ikalawang semester. May mga nagtsitsismis na sa amin bago pa man yung second sem na terror daw yung idol kong manunulat. Wala akong paki. Kung terror gusto kong maranasan. Kung babagsak o maiincomplete hindi na isyu sa akin iyon. Basta gusto kong ma-experience na maging titser ko sya. Ang subject Historical fiction. Unang meeting namin, wala, hindi dumating, na-frustrate talaga ako pauwi ng Bulacan. Biruin mo yon lakas ng ulan, alas syete pasok ko kinabukasan sa BSU lumuwas ako para magklase tapos pinanis kami kahihintay. Sumunod na meeting after one hour na paghihintay sa classroom nagdesisyon kaming magkaka-classmate na puntahan sya sa opisina nya. Nandon nga! Inabutan naming nag-eedit ng kalahating dangkal na manuscript yata iyon o tesis. Binanatan agad kami ng ganito: “Ba’t nyo ko hinanap, kaya nga ako nagtatago kasi ayokong magklase.” Hindi ko makuha kung joke yon o totoo.

Pagkatapos na matandaan yung page na ineedit hinarap na nya kami. Pinagtatanong na agad kami kung sino raw sa kababayan namin ang sa tingin namin ay puwedeng gawan ng kuwento. Nakakahiya wala akong masabi (hindi lang ako, pati yung iba naming classmate). Sya pa ang nagsabi sa akin nung pangalang Josefinang Baliuag, ang tanong ko nga kaagad, sino po yun? Patay talaga. Basang-basa na nya kaagad kung hanggang saan lang ako. Alam ko may ganon syang pagbasa na ginagawa sa amin, pero alam ko rin na habang ginagawa nya iyon, binabasa pa rin nya kami sa ibang anggulo na sa tingin nya ay may iuubra kami. Ang galing no’n. Sabi nung utol kong taga-PUP na nakaharap na rin sya marunong daw kasi yon ng Psychoanalysis.

Ang format ng klase namin workshop. Dala-dalawa ang magsasabay na estudyante para upuan ng klase ang mga sinulat namin. Sa ikatlong meeting pa ko masasalang. First time sakin yung attempt na gumawa ng historical fiction. Napurga ko kakaisip ng plano kung papano gagawin. Pag nahihirapan ako ang solusyon ko lagi binibitawan ko yung trabaho sa iskuwelahan. Kung kailangang umabsent, aabsent. May isang pagkakataon pa nga na may report ako kay Dr. Eugene Evasco (kakatapos lang ng Christmas vacation) hindi ko talaga natapos yung preparation, ang ginawa ko nag-sick-leave ako ng isang linggo.

Bago ko nabalangkas yung kuwento ko kinailangan kong umabsent ng dalawang araw para mag-research sa public library ng Baliuag. Nang makolekta ko na yung mga datos sa history na kailangan ko saka ako nagdesisyon sa mga tauhan na bubuuin ko. Ang pinakapundasyon ng kuwento ay ang istorya ng Baliuag kung bakit ito tinawag na Baliuag. Resulta raw ito ng obserbasyon ng mga pari sa Quingwa (Plaridel na ngayon) sa laging pagka-late sa misa ng mga taong nanggagaling sa Baliuag. Kaya tinawag daw nila ang mga ito ng mga maliliwag na tao. Kalaunan sa kakabigkas ng tao naging Baliuag. Inangguluhan ko yung talang iyon ng kasaysayan. Ano ang posibleng totoong dahilan bakit laging late sa misa ang mga taga-Baliuag?
Nilaro-laro ko yung posibilidad. Naisip ko halimbawa na baka naman hindi sila sincere sa pagdalo ng misa, napipilitan lang. Naisip ko rin na hindi kaya habang daan sinasamantala ng mga tao yung paglalakad sa gubat para makakuha ng pagkain para pag-uwi nila ng bahay marami-rami silang maiuuwi sa mga anak-anak na naghihintay. Naisip ko rin na puwede rin namang dahil sa layo at dami ng tribo-tribong daraanan (na hindi pa naiimpluwensyahan ng mga Kastila) hindi kaya napapaaway muna sila at nagkakatugisan muna bago sila makarating ng simbahan. Ganon ko pinaandar at inimagine ang takbo ng istorya. Sa tulong na rin ng mga karanasan kong personal at kuwento-kuwento ng mga matatanda sa amin nabuo ko na rin ang kuwento. Pero pinakamalaking tulong sa akin yung pagkakaalala ko kay Inda (lola ko). Yung istorya nya kung papano siya napadpad sa Baliuag mula sa Pampanga. Pinalakas ko yung image ng lahi na pinagmulan nya. Na ang bloodline nina Inda ang mga unang tao sa Baliuag. Nilagay ko rin yung detalye kung papano sya nagwawalis ng lupa, na pati yung mga mugmog mula sa lupa ay itinuturing niyang kalat na dapat walisin.

Nang matapos ko yung kuwento at first time na basahin ang draft pagkatapos maprint, biglang-bigla kong naramdaman ang pinakamalakas na impluwensya ng kuwento, hindi puwedeng ikaila, ETSAPUWERA, na nobela pa rin ng idol kong manunulat.

 

Promise, Hindi Ko na Talaga ito Inasahan

Pagkatapos na maupuan ang pyesa ko sa klase at magsisiuwian na kami, tinawag niya ako. Akala ko may katangahan akong ginawa. Naisip ko talaga no’n baka may comment pa syang nakalimutang sabihin kanina. O di kaya naman baka may pinakamalupit siyang kritisismo sa kuwento ko at gusto nyang ako na lang ang makarinig no’n dahil baka nakakawindang talaga. Wala sa inasahan ko ang sinabi nya. Ganito ang sabi nya sakin, umiinom ka ba? Sabi ko naman (nang mabilis na mabilis) opo, umiinom ako, idnugtong, tara inom tayo. Wow. OA talaga no, pero totoo lang kasi kaya ko sasabihin akala ko talaga imposible yon na makainuman ko sya. Maraming taon na inienjoy ko lang sya sa mga sinusulat nya, tapos eto ngayon niyayaya na nya kong uminom. Iba talaga yon. Bigla kong naramdaman kaagad ang sipa ng kasimplehan ng buhay at kung gaano ako katugok na mag-espekulasyon sa mga taong nakakaharap ko.

Sa inuman hinayang na hinayang talaga ako, kinakapos ang memorya ko para alalahanin ang lahat ng mga ikinukuwento nya. Walang nagbabago sa kanya, kung papano sya nagsasalita sa klase at kung papano nya ipinapakita ang sarili bilang kainuman parehong-pareho lang. Walang pagpapalit ng aura. Isa ang sigurado hindi mo sya puwedeng bolahin at hindi ka rin naman nya binobola.

Mula sa araw na iyon, nagkaroon ng extension ang klase ko sa kanya sa harap ng Red Horse Mucho. Sakto lang na inom ang lagi naming ginagawa, ang nagpapahaba sa harapan yung mahabang kuwentuhan. Madalas ako ang tagapakinig. Kapag may inihahain ako sa kanyang pananaw o opinyon madalas kesa hindi nasusukol ako sa pangangatwiran.

Naishare ko minsan sa kanya na plano naming mag-ampong mag-asawa. Wala sa loob na nagbiro ako sa kanya sabi ko baka po may kilala kayo na gustong magpaampon puwede sa akin na lang. Diretso yung sagot nya sakin, alam mo mali yung pananaw mo sa pag-aampon, pag mag-aampon ka, ang ampunin mo yung hindi iba sayo, yung mahal mo. Hindi naman parang bagay yan o gamit na kaya mo kukunin gusto mo ng libangan. Yaiks! Bigla akong nahiya sa bulok kong isip. Oo nga na naman ang sagot ko ro’n.

Wala talaga sa kamalayan ko ang magsulat o maging manunulat kung ang pag-uusapan at babalikan ay yung natural kong hilig. Una kasi talaga, gusto kong maging pulis, inawat lang ako ng Tatay kasi sayang naman daw kung magpupulis lang ako (hindi ko na sya naurirat kung bakit ako magiging sayang). Tapos nung nasa college gusto ko namang maging basketball player, kaya lang pisikal na problema ang nakapigil sakin kaya hindi rin natuloy, dalawang operasyon ang inabot ko, varicouselectomy at hydroselectomy-parehong uri ng luslos, bukod pa ro’n humina na rin ang baga ko dahil sa plema.

Sa panahon ng pagkawala sa sarili at pagkalito sa gustong gawin sa buhay tyempo ang pagdating ng impluwensya niya sa akin. Sa loob ng mahabang panahon ang mga kuwento nya ang gumiya at gumabay sa akin sa kung saan ako puwedeng umubra at mapakinabangan.

Isa pang harapan sa inuman ang lalong nakapagpatanga sa akin, nangyari iyon ng minsang maimbitihan ako sa bahay niya sa Bulacan. Lahat ng tao na humaharap sa amin nandon lagi ang respeto at paggalang sa kanya pero hindi naiilang na magsalita. Hindi ko na masyadong maalala kung bakit bigla niyang nasabi sa akin iyon, siguro bangag na rin ako sa kakainom ng beer. Sabi nya ganito, alam mo madali lang maging writer, ang mahirap maging tao.

Pauwi ng bahay namin galing sa Hagonoy nagflashback lahat ng nangyari sa buhay ko simula pa nung unang magkamalay ako.

 

Tungkol sa awtor: sa kasalukuyan avid fan sya ng Cleveland Cavaliers, partikular sa player na si Lebron James, ang gustong-gusto raw nya sa player na ito ay ang kakayahang iinvolve ang teammates sa gameplan. Ayon pa sa kanya magpapafiesta sya at magpapainom pag nagchampion this year ang CAVS sa 2009-2010 NBA season. 

Nov
15

ni Orlando Pineda

Ang galing-galing mong magdala ng angas sa

Daan sa tuwing umaatungal ang tambutso ng iyong

Motor at pinupunit ng pagharurot mo ang

kasalubong na hangin sa kalsada.

Swabeng-swabe ang pagsasayaw ng manibela’t dalawang

Gulong habang pinagtatawanan ng tambutso ang naungusang

trak, kotse at dyip; kaalinsabay ang pagbaba

ng panga ng ilang patawid at pa-susmaryosep

ng manang na tindera ng yosi ay ang nagmamalaki mong

paghagibis na magtatapos                  sa

isang

P A G K A D U R O G!

(Hindi ka naman kasi inaano ng nakatayong poste

at nakahigang semento.)

Nov
15

ni Orlando Pineda

‘Sang mahanging hapon, kami ay sumama

Kay Bertong Buhawing astig kung pumorma.

Hinamon n’ya kaming ang iminum’westra’y

Kami’y magtunggali at magluksong-baka.

 

Kasabay ng bira ng hanging malakas,

Umandar ang yabang ni Tonyo’t bumigkas.

“Ako ay magaling, buro kayong lahat!

Masdan n’yo ang luksong kagila-gilalas!”

 

Totoo nga palang kay taas tumalon

Ni Tonyong Buhawi sa tayang si Anton.

Kahit na ang hangi’y may dahas na tugon,

Sinasalunga n’ya na parang tipaklong.

 

Sa huling paglundag ni Tonyo’y sumatsat

Ang kalaro naming si Robertong Pandak.

Si Tonyo’y nalito at napabisaklat.

Sal’wal ay napahak, dumungaw ang bayag!

Nov
02

ni Christine Arzaga

“Naku misis hindi ko nga po alam kung paano kami magpapasalamat sa pagkupkop at pagpapa-aral niyo dito kay Lucas namin.”

“No, its okey, mabait at masunurin naman ho itong anak niyo. Malaki ang naitutulong niya dito sa bahay lalo pa at palaging wala si Ernesto.”

Sagot ng maganda at sopistikadang ginang, habang inaabutan pa ng dagdag na ulam si Aling Celia.

“Narinig niyo na ho Ka Celia, kaya ho wag kayong masyadong nag-aalala sa anak niyo at mas napapabuti ho siya dito. Kaysa sa Batangas siya maglagi at mapabarkada lang.”

“Ay siyang tunay ho Don Ernesto.”

Waring wala namang narinig ang disisais anyos na binata, nakayuko lang ito at patuloy sa pagkain.

“Kaya ikaw Lucas ha magpapakabait ka dine at nakakahiya kay Misis. Sundin mo ang lahat ng inuutos niya at saka ipunin mo yaong sinasahod mo at ng sa susunod na semestre ay tayo na ang magbabayad ng matrikula mo. Ala’y teka! tila bago ata yang suot mong baro anak, saan mo nakuha yan? ”

“Oh, I bought it for him, para naman ho may matino siyang damit napansin ko ho kasing luma na ang mga dala niyang damit. Sayang naman ho ang itsura ng anak niyo, kailangan lang talagang mabihisan yan.”
Nakangiting sabi ng ginang sabay tapik sa braso ng binata.

“Ala’y ganon ho ba, ay salamat ho misis. Ibawas niyo na lamang ho sa pasweldo nyo sa kanya.”

“Kayo naman ho Ka Celia, wag nyo na hong isipin yon. Para na rin ho namin kayong kapamilya.”

“Ala’y marami ho talagang salamat sa inyo Don Ernesto, hayaan nyo ho at lalo pa namin pagbubutihin ng asawa ko ang pagtatrabaho sa hacienda at ng kahit paano’y makabawi kami.”

Nang matapos ang hapunan, tahimik na nagligpit si Lucas habang wala parin tigil sa pagpapasalamat sa mag-asawa si Aling Celia.
“Pano hon? Kailangan na namin tumuloy ni Ka Celia sa hacienda. Gusto ko sanang dito na magpalipas ng gabi para naman makasama ka, kaya lang kailangan ako ng maaga doon bukas at may darating na delivey.”

“It’s ok. hon, maaga din ang meeting ko bukas sa office kailangan ko na rin magpahinga. Saka nalang tayo bumawi pag balik mo.” Malambing na sagot ng ginang sabay halik sa asawa.

“Ay tutuloy na ho kami misis. Kung sakali hong magkaproblema kay Lucas ay ipaalam niyo ho sana sa akin kaagad.”

Narinig ni Lucas ang tunog ng paalis na sasakyan, halos patapos na siya sa paghuhugas ng plato. Gumapang ang takot sa buo niyang katawan ng lumapit ang ginang.

“Bilisan mo na dyan, hihintayin kita sa kwarto ko.”

Ang manunulat ay kasalukuyang kumukuha ng BA Mass Comm major in Broadcasting sa Bulacan State University. Galing sa kanya, laging may second thought kapag magsususlat lalo na kung ito ay ipapasa.

Oct
19

ni Bianca Camille C. Apostol


Lagi kong naaalala ang mukha nya, bago ako matulog at pagka-gising kahit sa panaginip ko nasasalit s’ya. Ang mahina n’yang boses habang tinatawag ako. Naalala ko pa noong tinutulungan ko s’yang lumakad. Minsan kapag gusto nyang mamasyal, ako ang lagi nyang inaaya. Nami-miss ko na ang mga kwento nya. Nami-miss ko na si Lola Aida.

16 years old ako noong nakilala ko sya. Kinailangan ko kasing mag community service ng 50 hours para makaligtas ako sa CWTS. Isinama ako ng tita ko sa isang orphanage for grandmothers. Doon ko ibubuhos ang 50 hours ko. Excited ako dahil first time ko sa ganitong mga bagay. First time ko sa ganitong environment. Naaawa ako sa kanila. Naiisip ko kung nasaan nga ba ang kanilang pamilya? Bakit sila iniwan?

Iba iba ang ugali ng bawat lola sa orphanage. May pala-kwento. May tahimik lang at may masungit. Minsan, may nag- uulyanin na rin. Pero may isang lola roon na kakaiba sa lahat. Tahimik lang sya. Walang imik at laging mag- isa. May sakit si Lola Aida ng asthma. Mahina na ang katawan n’ya. Ang sabi ng marami, masungit daw at mahirap makasundo si Lola Aida. Kaya naman isang araw namasyal ako sa garden at nakita s‘yang nakaupo, agad akong tumalikod. Ngunit hindi pa ako nakakahakbang ay tinawag na nya ako.

“Anne.”

Lumingon ako sa kanya.

“Hindi ba ikaw si Anne?”

Tumango ako “ako nga po, Lola.”

Ngumiti sya sa akin. “Halika, samahan mo naman akong maupo.”

Tumabi ako sa kanya. Pakiramdam ko, matagal ko na syang kakilala. Parang at ease kasi ang pakiramdam ko habang katabi sya.

“Alam mo, kamukha kita noong bata pa ako.”

Napangiti ako. “Talaga po?”

Tumango lang s’ya at ikinuwento na ang tungkol sa kabataan n’ya. Simula noon, naging close na kami. Lagi ko syang sinasamahang mag lakad-lakad o kaya ay umupo sa may hardin. Lagi rin nyang kinukwento ang mga nangyari noong kabataan nya may kasama pa nga iyong pangangaral. Nalaman kong bata pa lang sya ng ma in-love at mabuntis. Kinailangan nyang ipamigay ang anak dahil iniwan sya ng boyfriend nya.

“Lola, ok lang po ba kayo?”

Ngumiti ng malungkot si Lola Aida. “Birthday kasi ngayon ng anak ko. Alam mo, nagkita kami noong kasing edad mo sya, galit na galit s’ya sa akin.”

Niyakap ko si Lola Aida. “Ok lang po yan, Lola Aida.”

“ Tama namang magalit s’ya dahil sa pag abandona ko sa kanya. Gusto ko nang mapatawad n’ya ako. Matagal na kong nag- sisi sa nagawa ko noon..”

Napansin kong hinihingal s’ya at tila hindi makahinga. “Lola tama na po. Ina- asthma na po kayo o…”

“ Sana mapatawad n’ya ko at matawag na nanay… yun lang masaya na ko.”

“ Mangyayari po ‘yon, Lola Aida.”

“ Kapag mangyari iyon, masaya akong aalis dito sa mundo.”

“Lola! Hindi po. ‘Wag kayong magsalita ng ganyan.”

Ngumiti lang s’ya sa akin. “ Matanda na ako Anne. Tanggap ko na kung anong mangyayari sa buhay ko.”

Niyakap ko na lang sya.

Bago ako umalis, tiningnan ko muna s’ya sa kwarto n’ya. Natutulog sya at binabantayan ng isang nurse. Napabuntong hininga na lang ako. Birthday din kasi ni Mama. Kaya kahit gusto kong bantayan sya, hindi pwede.

Bawat araw, lumalala ang kondisyon ni Lola Aida. Sa ngayon ay naka-oxygen tank na s’ya para sa kanyang paghinga. Lagi-lagi ko s’yang dinadalan ng mga bulaklak sa kwarto n’ya. Binabantayan kapag natutulog. Nag- aalala na talaga ako sa kalagayan n’ya. Unti-unti nang bumibigay ang katawan n’ya. Natatakot ako. Kaya napagdesisyunan kong ibigay ang huli n’yang kahilingan. Ang makita ang anak n’ya at madinig na pinapatawad na s’ya nito. Nagtanong- tanong ako. Nag -research sa Internet. Ilang araw ko ring pinag puyatan ang paghahanap ngunit nabigo ako. Inilipat na si Lola Aida sa isang ospital para matingnan ng mabuti ang kalagayan nya. Hindi pa rin ako tumitigil sa paghahanap. Walang nakakaalam kung nasaan na ang anak ni Lola Aida. May nagsasabing nasa ibang bansa na ito. May nagsasabing nasa probinsya. Kasabay ng unti-unting paghina ng katawan ni Lola Aida ay ang unti-unti ring pagkawala ng pag-asa kong makikita ko pa ang anak n’ya.

Ng araw na iyon, ipinasya kong bantayan na lang si Lola sa ospital. Mahinang mahina na talaga sya.

“ Lola…lumaban po kayo. Hinahanap ko na po ang anak n’yo. Di ba gusto nyo s’yang makita. Kahit lumuhod ako sa kanya, gagawin ko basta…lumaban ka lang po..”

Hinawakan ko ang kamay nya. Maputlang- maputla na s’ya at ang lamig lamig.

Kinagabihan, sinundo ako nina Mama sa opspital. Nagulat ako. Nasanay na kasi akong wala sila. Busy naman sila lagi sa trabaho. Kaya kahit may magulang ako, para na ring wala. Nagising si Lola Aida ng palabas na ako ng kwarto.

“ Lola…ok lang po ba kayo?”

Ngumiti sya. Halatang nahihirapan na s’ya ngunit pinilit pa ring ngumiti.

Biglang bumukas ang pinto. Napatingin ako. Mama ko pala ang pumasok. Marahil nainip sa paghihintay sa akin.

“ Halika na, Annalyn.”

Napatingin ako kay Lola Aida. “ Babalik na lang po ako bukas..”

Bigla akong napalingon ng madinig ko ang pagbasak ng bag ni Mama sabay hablot sa braso ko.

“ Papano mo sya nakilala?!”, ang tanong nya sa akin

Naguluhan ako. Tiningnan ko si Mama na galit na galit. Sinulyapan ko si Lola Aida. Nagpipilit s’yang bumangon. Halata ang gulat sa kanyang mukha. Ngunit mababakas ang saya.

“A—nie..”

Hinablot ko ang braso ko sa pagkakahawak ni Mama at nilapitan ko si lola.

“ Lola…baka po makasama sa inyo ‘yan..”

Ngunit muli akong hinitak ni Mama.

“ Wala kang karapatang guluhin ang buhay namin ng anak ko. Wala!”

“ A—nie… patawad..”

Naguguluhan ako.

“ Matagal mo ng tinapos ang anumang kaugnayan meron tayo. Noon pang ipamigay mo akong parang aso!”

Natigalgal ako… hindi kaya’t…

Nahihirapan ng huminga si Lola Aida… umiiiyak na rin siya. Hinitak ako ni Mama palabas ng kwarto. Narinig ko pa ang pagtawag n’ya sa pangalan namin.

Pinagbawalan ako ni Mama na dumalaw sa ospital o pumunta sa orphanage. Bantay- sarado ako. Hindi na rin ako nagmatigas at sumuway. Hindi pa rin ako makapaniwala na si Mama ang anak ni Lola Aida. Ang anak na lagi nyang ikinukwento sa akin. S’ya pala iyon. Ako…totoo palang maglola kami..

Lumipas ang mga linggo. Nagkalakas din ako ng loob na kausapin si Mama. Nagtalo kami. Nagkasigawan ngunit ipinaglaban ko ang alam kong tama. At sa huli napapayag ko s’yang dalawin namin si Lola Aida ngunit wala na sya. Namatay s’yang hindi man lang nadidinig ang pagpapatawad na matagal na nyang hinihingi..

At ngayon… kahit matagal na panahon na ang lumipas, hindi pa rin mawala ang guilt feeling na nararamdaman ko. Kung sana hindi ko sinayang ang panahon… kung sana hindi ako nanghusga agad. Kung sana ipinaglaban ko sya… pero wala na.. wala na.

Ang may- akda ay kasalukuyang nag- aaral sa Bulacan State University sa kursing BA Mass Communication major in Broadcasting. Naniniwala s’yang naiisingit pa rin ang pagsusulat kahit busy ang isang tao.

Sep
30

NAPAKA Naman

ni Maris Castro


Napakataas naman talaga ng mga puno.

Napakarami ring mga bunga .

Araw- araw man siguro akong pumitas

t’yak busog ang sikmura ko.



Napakaganda rin talaga ng mga bulaklak.

Naghuhumiyaw ang iba’t- ibang kulay .

Siguradong napakabango ng mga ito.



Napakalusog din  naman ng mga hayop.

Kalabaw, baka, kambing at iba pa,

nagpapakasasa sa libreng damo

sa napakalawak na damuhan.


Napakaberde rin ng matataas na bundok

talaga namang ang sarap- sarap akyatin.

Sa himpapawid naman nagliliparan

ang napakaraming ibon.

Napakalaya talaga  nila.


Napakaganda talaga ng paligid.

Napakaganda talaga ng piktyur na ‘to.


Sibat


Sa unang harurot

pagdating sa unang kanto,

inoberteykan ako ni Pare

at isinakay ang hinahabol kong pasahero.


Okey lang yun, kababata naman kita P’re

mapagbibigyan kita sa syete

babawi na lang ako sa susunod.

Inapakan ko ang silinyador

at umarangkada sa magulong highway.

Pagdating ko sa sumunod na kanto

Sinulot mo na naman ang babaeng pasahero.


Naku, Pare, pare, pare ang husay mo talagang drayber.

Akalain mong nakalulusot ka sa mga singit- singit.

Basta P’re, ito ang tatandaan mo,

Ingat sa byahe.


Ang makata ay kasalukuyang kumukuha ng BA Mass Communication major in Broadcasting sa Bulacan State University. Tinawag nyang ” Dyan sa tabi- tabi” ang post na ito dahil sa tabi- tabi lang din nya nakuha ang mga ideya. At, sa kung saan- saan lang din naman sya naroroon. Kaya, nagkita sila ng mga ideya dyan sa tabi- tabi.